Skip to main content
University of the Philippines Diliman | College of Social Sciences and Philosophy
  • Share:
 

Ika-22 ng Oktubre 2025 | Pilar Hererra Hall, Palma Hall, UP Diliman

Ang UP Department of Philosophy ay taus-pusong nagpapasalamat sa lahat ng dumalo at nakibahagi sa Cornerstone Lectures hinggil sa Pilosopiyang Pilipino. Bahagi ng paggunita sa ika-42 anibersaryo ng pagkakatatag ng UP College of Social Sciences and Philosophy, nawa’y ang pagtitipong ito ay nagbigay inspirasyon sa mga mag-aaral na higit pang pahalagahan at paunlarin ang ating sariling tradisyon ng pilosopikal na pagninilay.

Ang Philosophy Cornerstone Lectures para sa pagdiriwang ng Linggo ng KAPP 2025 ay inihandog ng departamento, sa pakikipag-tulungan ng Pambansang Samahan sa Pilosopiyang Pilipino (PSPP).