Skip to main content
University of the Philippines Diliman | College of Social Sciences and Philosophy

Ang UP Kabataang Pilosopo Tasyo (UP KAPITAS) ay isang sosyo-akademikong samahan para sa mga mag-aaral ng Kagawaran ng Pilosopiya sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman (UPD). Layunin nito na paunlarin ang pilosopiyang Pilipino na angkop at makabuluhan sa lipunang Pilipino; humubog ng mga Pilipinong palaisip na nais paglingkuran ang sambayanan; magibigay sa mag-aaral ng pilosopiya ng espasyo para sa kanilang mga gawaing pilosopikal; at isulong ang pilosopiya bilang isang disiplina.